Baboyang Walang Amoy (P.I.G.S.)

          Very common sa atin ang tinatawag na "Backyard Farming" on raising pigs pero lately dahil sa concerns on health effects due to DOH awareness nagrereklamo ang mga katabing bahay sa amoy or baho na naeproproduce ng mga baboy on their waste. Sa commercial farming meron silang tinatawag na "Integrated Waste Management System" kung saan ginagamit ang technolohiya sa pag tanggal ng problema tungkol sa dumi ng mga kahayopan. Ito ay magagandang paraan pero mostly naman kailangan mong gumastos ng malaki at para may return sa investment kailangan din ng bultong dumi para maka produce ng bi-products gaya ng BioGas.

          Para solusyonan ang problema sa dumi may magandang paraan na natuklasan ang ating mga experto sa pag aalaga ng baboy. Ito ang tinatawag na "P.I.G.S." or Profitable Indigenous Growing System.

          Ang P.I.G.S ay isang pamamaraan kung saan napaka angkop sa mga kababayan natin na on to backyard farming. Dahil sa P.I.G.S ang mga kailangan sa pagbuo ng systema ay nasa paligid at available sa atin. Kaya sinasabing "indigenous" dahil ang mga materyales na gagamitin ay makikita at makukuha sa paligid natin.

Mga advantages sa pag gamit ng P.I.G.S:
  1. Profitable - sa wastong pag gamit ng systema sigurado ang kita mo.
  2. Indigenous - mga materyales na gagamitin ay nasa paligid lang, hindi na kelangang gumastos ng malaki para sa pagbuo ng systema.
  3. Growing - ang paglaki ng mga baboy ay garantesado, mataas ang kalidad ng produkto at manipis ang taba.
  4. System - dahil ito ay promoted at tested ng mga experto sigurado kang ito ay sytematic at hindi kathang isip lang or experimento.
  5. Pinaka mainam sa lahat ay yung amoy dahil sa dumi ng baboy ay mawawala, hindi na magrereklamo ang mga kapitbahay mo.
  6. Ang pag gawa ng P.I.G.S ay hindi mahal, at kayang kaya sa mga small scale backyard farming. Ang katumbas sa isang systema ay kapresyo lang ng isang baboy kung saan ang kapasidad ay nasa sampung baboy.
  7. Yung mga waste or dumi ng baboy ay pwedeng gawing fertilizer, additional benefits so hindi mo na kailngang bumili ng additional fertilizer para sa mga halaman mo. Or pwede mong ibinta so dagdag kita.
Ano bah talaga ang P.I.G.S?

          Ang P.I.G.S ay desenyo ng kulungan ng baboy at ang pagbibigay ng organic foods sa ating mga alagang baboy. Sa lumang pamamaraan ng pag gawa ng kulungan, ang mga baboy ay nilalagay sa sementadong flooring, pagkainan, pinaliligoan araw-araw at nililinisan ang kulungan ng tubig. Dito kailangan mo talagang mag exert ng effort, oras at panahon.

         Samantalang sa P.I.G.S marami kang matitipid, isa na dito ang pagpapaligo ng mga baboy. Sa P.I.G.S. hindi mo na sila kelangan paligoan araw-araw dahil mismo ang mga baboy na ang magpapaligo sa sarili nila. Kelangan mo lang palitan ang tubig sa tinatawag na swimming pool. Yung flooring ng kwadra ay hindi na kelangan ng paglilinis gamit ang tubig kung hindi wawalisin mo lang ang mga dumi na nahahalo sa ipa. Bakit may ipa? sigurado yan ang nasa isip ninyo ngayon. Ang ipa ay ginagamit na flooring sa kwadra. Ang mga baboy ay natural na nagbubungkal ng lupa upang maghanap ng insekto. Kaya ang ipa nilalagay para ang mga baboy ay makabungkal at mawala ang stress nila sa kulungan. Less stress na baboy mas mabilis lumaki at mabigat ang timbang. Yung ipa na rin ang nag aabsorb ng amoy kaya di nababaho ang kulungan.





Para sa mas detalyadong explinasyon panoorin ang video na nasa ibaba:







Please click the link below for the ideal computation of investment and return on raising backyard swine:

http://ginansya.blogspot.qa/p/computation-for-swine-production-with.html